Drone operations sa bansa ipinasisilip sa Kamara

Drone operations sa bansa ipinasisilip sa Kamara

Pinaiimbestigahan ni House Committee on People’s Participation Chairperson at San Jose del Monte Rep. Rida Robes ang kasalukuyang estado ng “drone operations” sa bansa, partikular ang mga napaulat na paggamit dito sa mali o ilegal na paraan.

Sa House Resolution 2473 ni Robes, nais nito na magsagawa ng imbestigasyon ang House Committee on Transportation upang makagawa ng batas o kaya naman ay magrepaso ng mga patakaran sa operasyon ng mga drone na magbibigay-proteksyon sa karapatan sa “privacy,” kaligtasan at seguridad ng publiko.

Batay sa resolusyon, may mga ipinatutupad namang panuntunan at regulasyon ang Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP ukol sa paggamit ng mga drone.

Isa sa mga CAAP rules, ang mga drone ay hindi uubra pumasok sa mga pribadong lugar o “populated zones” gaya ng subdivisions at residential areas nang walang kaukulang permiso.

Paliwanag ni Robes, may ilang ulat na may drone operations na lumalabag sa pribadong buhay ng ilang grupo o indibidwal.

Mayroon ding report ng “robbery” o nakawan na naisasakatuparan sa tulong ng paglilipad ng drones.

Nababahala din ang mambabatas na magamit ang mga drone sa “political partisanship,” ngayong eleksyon kaya para maiwasan ay kailangan na maimbestigahan. (James Cruz)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *