Pagpapatupad ng GASTPE ng DepEd pinaiimbestigahan sa Kamara

Pagpapatupad ng GASTPE ng DepEd pinaiimbestigahan sa Kamara

Nais maimbestigahan ng Makabayan bloc sa Kamara ang pagpapatupad ng Department of Education o DepEd sa “Government Assistance to Students and Teachers in Private Education” o GASTPE.

Batay sa House Resolution 2480 ng Makabayan Bloc isinusulong ng mga ito ang pagkakaroon ng congressional inquiry kaugnay na rin ng isang special audit ng Commission on Audit o COA ukol sa programa at mga isyu na inungkat ng mga pribadong eskwelahan, mga guro, at mga estudyante na benepisyaryo ng GASTPE.

Ang GASTPE ay programa para sa “decongesting” o pagpapaluwag sa mga pampublikong paaralan, at tiyaking available ang edukasyon para sa lahat ng kabataang Pilipino. Ito ay may mandato rin na tulungan ang pribadong sektor sa pagtupad ng “complementary role” nito sa pagbibigay-edukasyon.

Ito ay mayroong components o ang: Educational Service Contracting, Teachers’ Salary Subsidy, Senior High School Voucher Program, In-Service Training at Research Program.

Nakasaad sa report na noong 2018 ay nagsagawa ng performance audit ang COA sa GASTPE program para sa mga taong nasa pagitan ng 2012 hanggang 2017.

Napuna ng COA na kakaunti lamang ang mga impormasyon mula sa Deped para masuri kung ang nabanggit programa ay nakatulong ba sa kalidad ng edukasyon sa mga pribadong paaralan.

Dagdag ng COA, kulang ang mekanismo ng DepEd para matiyak ang tamang pagpapatupad ng GASTPE program.

Kaya naman giit sa resolusyon, kailangang masiguro ng Kongreso ang “transparency at accountability” sa panig ng DepEd, na siyang namamahala sa isang mahalaga at magastos na programa. (James Cruz)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *