Bilang ng mga Pinoy na walang trabaho tumaas pa

Bilang ng mga Pinoy na walang trabaho tumaas pa

Nadagdagan pa ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho noong December 2021, sa kabila ng mas magaang quarantine restrictions na pinaiiral noon.

Sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang bilang ng mga unemployed noong Dec. 2021 ay 3.27 million na kumakatawan sa 6.6 percent na unemployment rate.

Mas mataas ito ng 110,000 kumpara sa 3.16 million na unemployed noong November 2021.

Ayon naman kay PSA chief, National Statistician Claire Dennis Mapa, sa kabila ng pagtaas ng unemployment rate, nadagdagan pa rin naman ang bilang ng mga employed individuals.

Sa datos, noong Dec. 2021 ay mayroong 46.27 million na employed indviduals, mas mataas kumpara sa 45.48 million noong Nov. 2021.

Ang services sector ang may pinakamataas na bilang ng employed persons, kasunod ang agriculture at industry sectors. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *