Mga gamit para sa halalan sinimulan nang i-deploy ng Comelec
Inumpisahan na ng Commission on Elections (Comelec) ang deployment ng mga election-related equipment, forms at iba pang supplies na gagamitin para sa May 9, 2022 National and Local Elections.
Mula sa Comelec warehouse sa Sta. Rosa, Laguna ay dinala na sa local hubs ng Comelec sa iba’t ibang panig ng bansa ang mga kagamitan kabilang ang external batteries para sa vote counting machine (VCM).
Ang deployment ng VCM batteries ay isasagawa hanngang March 31 habang ang deployment ng mga ballot box ay hanggang April 10.
Sunod na ide-deploy ang mga non-accountable forms at supplies na magmumula naman sa Comelec warehouse sa Quezon City.
Ang deployment ng mga VCM, consolidation and canvassing system (CCS) machines at transmission equipment ay gagawin mula April 2 hanggang 19.
Habang ang opisyal na balota at indelible ink na magmumula sa National Printing Office (NPO) ay sisimulang ipamahagi sa city at municipal treasurers mula April 20 hanggang May 5. (DDC)