NCR at lalawigan ng Quezon kapwa nasa low risk na sa COVID-19
Bumaba na sa low risk ang Risk Classification sa Metro Manila at sa lalawigan ng Quezon.
Ayon sa OCTA Research, ang NCR ay mayroon na lamang 6.67 na Average Daily Attack Rate (ADAR) at 9 percent na lamang ang positivity rate.
Sa lalawigan ng Quezon, 1.65 ang ADAR at 8 percent ang positivity rate.
Ang lalawigan naman ng Batangas, Cavite, Laguna at Rizal ay pawang nasa moderate risk pa.
Nasa 10 percent pataas ang positivity rate sa nasabing mga lalawigan. (DDC)