DOH nakapagtala ng 3,651 na bagong kaso ng COVID-19
Nakapagtala ng 3,651 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Miyerkules, Feb. 9 ay 3,623,176 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 3,472,160 ang gumaling o katumbas ng 95.8 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 12,834 na gumaling.
Bumaba naman na sa 96,326 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 ng 2.7 percent.
Nasa 54,690 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.51 percent makaraang makapagtala ng 69 pang pumanaw. (DDC)