Japan nakapagpadala na ng halos P700M halaga ng tulong sa mga naapektuhan ng Typhoon Odette

Japan nakapagpadala na ng halos P700M halaga ng tulong sa mga naapektuhan ng Typhoon Odette

Umabot na sa halos P700 milyon ang naibigay na tulong ng bansang Japan para sa mga nasalanta ng bagyong Odette sa Pilipinas.

Sa datos mula sa embahanda ng Japan, P663 million ang halaga ng tulong mula sa gobyerno ng Japan at P13 million naman ang halaga ng tulong mula sa mga Japanese companies.

Bahagi ng donasyon ang mga pagkain, non-food items, water sanitation, roofing materials at iba pa.

Ang tulong ay ipinadaan sa pamamagitan ng iba’t ibang organisasyon kaya ng World Food Programme, UNICEF at International Federation of Red Cross and Red. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *