40,000 OFWs maaari na muling makapagtrabaho sa Taiwan

40,000 OFWs maaari na muling makapagtrabaho sa Taiwan

Binawi na ng pamahalaan ng Taiwan ang pinaiiral nitong suspensyon sa pagtanggap ng mga overseas Filipino workers (OFW).

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, simula sa February 15, muli nang tatanggap ng OFWs sa Taiwan.

Inaasahang aabot sa 40,000 na OFWs ang makikinabang dito ayon sa DOLE.

Ang mga OFW na magbabalik-trabaho sa Taiwan ay kailangang fully vaccinated.

Kailangan din nilang magpakita ng negatibong resulta ng RT PCR test, at sasailalim sila sa one-person one-room isolation bago bumiyahe patungong Taiwan.

Pagdating sa Taiwan, sasailalim sila sa 14-day hotel quarantine. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *