BREAKING: DOH nakapagtala ng 3,574 na bagong kaso ng COVID-19
Nakapagtala ng 3,574 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Martes, Feb. 8 ay 3,619,633 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 3,459,462 ang gumaling o katumbas ng 95.6 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 14,644 na gumaling.
Bumaba naman na sa 105,550 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 ng 2.9 percent.
Nasa 54,621 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.51 percent makaraang makapagtala ng 83 pang pumanaw. (DDC)