Positivity rate sa NCR mas mababa na sa 10 percent
Mas mababa na sa 10 percent ang positivity rate ng COVID-19 sa National Capital Region.
Ayon sa OCTA Research, 9.6 percent na lamang ang positivity rate sa NCR.
Bumaba na din sa 8.93 percent ang average daily attack rate sa Metro Manila.
Kung magpapatuloy ang kasalukuyang trend ayon sa OCTA Research, maaring mas mababa na sa 200 ang daily cases sa NCR sa katapusan ng Pebrero. (DDC)