Pangulong Duterte walang susuportahang presidential candidate
Walang susuportahang presidential candidate si pangulong rodrigo duterte sa halalan 2022.
Sinabi ng pangulo na maliban na lamang kung magkakaroon ng “compelling reason” para magbago ang kanyang isip at mag-endorso siya ng kandidato.
Sa kanyang talk to the people kagabi, inihayag ni pangulong duterte na halos lahat ng tumatakbong presidente ay humingi ng suporta sa kanya sa iba-ibang paraan.
Sa nakaraan niyang public briefing, sinabi ng pangulo na pangangalanan niya ang corrupt at unfit presidential bets sa takdang panahon. (Infinite Radio Calbayog)