DOH nakapagtala ng 6,835 na bagong kaso ng COVID-19
Nakapagtala ng 6,835 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Lunes, Feb. 7 ay 3,616,387 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 3,445,129 ang gumaling o katumbas ng 95.3 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 16,330 na gumaling.
Bumaba naman na sa 116,720 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 ng 3.2 percent.
Nasa 54,538 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.51 percent makaraang makapagtala ng 12 pang pumanaw. (DDC)