VaxCertPH may update, publiko pinayuhang muling i-download ang kanilang certificates
May update sa VaxCertPH ng pamahalaan.
Ayon sa abiso ng Department of Health (DOH), lahat ng nakapag-download ng kanilang vaccine certificates bago mag-February 7 ay pinapayuhang muling bisitahin ang portal.
Ang QR code kasi na unang na-generate ay maaaring outdated na at hindi na mababasa.
Payo ng DOH, muling bisitahin ang vaxcert.doh.gov.ph at i-download ang certificate. (DDC)