Presyo ng produktong petrolyo tataas sa ikaanim na sunod na linggo
Mahigit piso na naman ang itataas sa presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo.
Sa abiso ng mga kumpanya ng langis, ataas ng P1.05 ang presyo ng kada litro ng gasolina, P1.25 ang itataas sa presyo ng kada litro ng kerosene at P1.20 ang itataas sa presyo ng kada litro ng diesel.
Ito na ang ikaanim na sunod na linggo na may pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.
Ipatutupad ang dagdag presyo bukas ng umaga, Feb. 7. (DDC)