DOH nakapagtala ng 8,361 na bagong kaso ng COVID-19
Nakapagtala ng 8,361 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Linggo, Feb. 6 ay 3,609,568 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 3,428,815 ang gumaling o katumbas ng 95 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 18,431 na gumaling.
Bumaba naman na sa 126,227 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 ng 3.5 percent.
Nasa 54,526 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.51 percent makaraang makapagtala ng 312 pang pumanaw. (DDC)