Ilang bar examinees nadiskwalipika dahil sa paglabag sa honor code
Pinatawan ng disqualification ni Bar Examinations chairperson, Associate Justice Marvic Leonen ang ilang bar examinees dahil sa paglabag sa honor code.
Sa inilabas na Bar Bulletin, sinabi ni Leonen na may mga examinees na nakakuha ng pagsusulit subalit lumabag sa mga polisiya ng Office of the Bar Chairperson.
Kabilang dito ang mga examinees na hindi idineklarang sila ay dati nang nagpositibo sa COVID-19., nagpuslit ng cellphone sa loob ng examination rooms, at nag-acess ng kanilang social media sa oras ng lunch break.
Ani Leonen, ang disqualification ay aplikable lamang para sa 2020/2021 Bar Examinations.
Pagkakataon aniya ito sa mga examinees na mag-reflect at matuto sa kanilang pagkakamali.
Samantala ayon kay Leonen, mayroong 219 na Bar examinees ang hindi nakakuha ng pagsusulit matapos magpositibo sa COVID-19. (DDC)