Pangulong Duterte nakatapos na ng quarantine
Natapos na ang quarantine ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos ma-expose sa isang COVID-19 positive.
Ayon kay Cabinet Secretary at acting presidential spokesperson Karlo Nograles, maayos ang kondisyon ng pangulo.
Naisailalim na rin aniya sa routine check-up ang pangulo sa Cardinal Santos Medical Center.
Ayon kay Nograles, Jan. 28 nang ma-expose ang pangulo sa isang staff na nagpositibo sa COVID-19.
Nag-negatibo ang pangulo sa sakit, matapos isailalim sa RT PCR test noong Jan. 31 at Feb. 1. (DDC)