Pagpapairal ng social distancing rules at curfew sa South Korea pinalawig pa dahil sa pagtaas ng kaso ng Omicron variant ng COVID-19

Pagpapairal ng social distancing rules at curfew sa South Korea pinalawig pa dahil sa pagtaas ng kaso ng Omicron variant ng COVID-19

Muling nagpatupad ng mas mahigpit na COVID-19 protocols ang pamahalaan ng South Korea dahil sa pagtaas ng kaso ng Omicron variant ng COVID-19.

Pinalawig ang social distancing rules ng dalawang linggo pa at nagpatupad din ng curfew na hanggang alas 9:00 ng sa mga restaurant.

Nilimitahan din sa anim na katao lamang ang mga pribadong pagtitipon.

Triple ang itinaas ng daily cases ng COVID-19 sa South Korea sa nakalipas na dalawang linggo.

Nananatili namang mababa ang bilang ng mga nasasawi at mga pasyenteng kritikal ang kondisyon.

86 percent ng 52 million population sa South Korea ang fully-vaccinated na. at 53.8 percent ang nakatanggap na ng booster shots. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *