Evacuation Center sa Miaga, Iloilo natapos na ng DPWH
Natapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang multi-purpose building na magsisilbi ring evacuation center sa Miagao, Iloilo.
Ayon kay DPWH Secretary Roger G. Mercado, pinondohan ngP39.5-million ang nasabing proyekto na itinayo sa Barangay Kirayan Tacas.
Inaasahang pakikinabangan ito ng mga residente ng 119 barangay sa bayan ng Miagao.
Ang state-of-the-art multi-purpose building ay mayroong kusina, mess hall, reception area, male at female toilets and bath na may shower stall, administrative office, storage rooms, breastfeeding at conjugal room, clinic/prayer room, play area, stage area, at parking area.
Nilagyan din ito ng cistern tank at rainwater collector system. (DDC)