3 percent inflation rate naitala noong Enero

3 percent inflation rate naitala noong Enero

Bumaba sa 3 percent ang inflation rate na naitala noong Enero 2022 ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Nangangahulugan itong bumagal ang pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo noong enero kumpara noong Disyembre 2021 kung saan naiatla ang 3.6 inflation rate.

Ayon kay National Statistician Claire Dennis Mapa, ang mabagal na paggalaw ng presyo sa housing, tubig, kuryente, gas at iba pang fuel products ang dahilan ng pagbaba ng inflation rate.

Ang pangalawang commodity group na nag-ambag ng pagbagal ng antas ng inflation nitong Enero 2022 ay ang Restaurants and Accommodation Services na may 3.0% inflation at 11.6% share sa pagbaba ng pangkalahatang inflation sa bansa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *