Sen. Leila de Lima hiniling sa korte na payagan siyang maka-video call ang inang may sakit
Hiniling ni Senator Leila de Lima sa korte na payagan siyang mag-video call sa kaniyang ina na may sakit.
Sa kaniyang mosyon sa Muntinlupa RTC Branches 204 at 256 sinabi ni De Lima na nagpositibo sa COVID-19 ang kaniyang ina at kritikal ang kondisyon nito.
Na-admit sa Iriga City sa Camarines Sur ang nanay ni De Lima simula pa noong Jan. 22.
Nakasaad pa sa mosyon na noong Feb. 1 ng gabi ay lumubha ang kondisyon ng kaniyang ina kaya dinala ito sa isang pagamutan sa Naga City kung saan mayroong Intensive Care Unit.
Simula noong Feb. 2017, tatlong beses lamang nabigyang pagkakataon si De Lima na makita ang kaniyang ina. (DDC)