Comelec hindi mapaparalisa sa pagreretiro ng tatlong miyembro ng en banc

Comelec hindi mapaparalisa sa pagreretiro ng tatlong miyembro ng en banc

Hindi mapaparalisa ang Commission on Elections (Comelec) sa pagreretiro ng tatlong miyembro ng en banc.

Pahayag ito ni dating Comelec Commissioner Mehol Sadain.

Ayon kay Sadain, nangyari na ito noon at posibleng mangyari sa mga susunod pang pagkakataon.

Sinabi ni Sadain na mayroon pa ring quorum sa nalalabing apat na nalalabing miyembro ng Comelec en banc.

Kailangan lamang aniyang maghalal ng OIC chairman ng en banc.

Ang dalawang Comelec division ay magkakaroon ng permanenteng miyembro, habang ang isang dibisyon ay bibigyan ng temporary member.

Kasabay nito ay pinayuhan ni Sadain ang mga abogado na hindi naman eksperto sa election law na huwag nang magpa-interview kung makagugulo lamang naman sa mga usapin sa poll body. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *