NCR, Calabarzon nananatili sa moderate risk – OCTA Research
Nananatiling nasa moderate risk sa COVID-19 ang Metro Manila at Calabarzon.
Kapwa nakapagtala ng negative week growth rates ang dalawang rehiyon ayon sa OCTA Research.
Sa NCR, 15 percent ang positivity rate, habang 17 percent sa Cavite at 18 percent sa Rizal.
Batay sa datos, ang average daily attack rate (ADAR) sa Batangas, Quezon at Rizal ay nasa moderate na lamang. (DDC)