BREAKING: DOH nakapagtala ng 7,661 na bagong kaso ng COVID-19
Nakapagtala ng 7,661 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Miyerkules, Feb. 2 ay 3,577,298 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 3,362,904 ang gumaling o katumbas ng 94 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 23,392 na gumaling.
Bumaba naman na sa 160,297 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 ng 4.5 percent.
Nasa 54,097 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.51 percent makaraang makapagtala ng 43 pang pumanaw. (DDC)