Pagdiriwang ng Chinese New Year naging mapayapa
Naging mapayapa ang pagdiriwang ng Chinese New Year.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) chie, Gen. Dionardo Carlos hindi naging magarbo ang selebrasyon kumpara sa nagdaang mga taon dahil sa pandemya ng COVID-19.
Gayunman, naging makabuluhan pa rin at ligtas ang pagdiriwang at walang naitalang anumang untoward incident.
Sinabi ni Carlos na binuksan ang mga Chinese temple para maisagawa ang ang New Year greeting rituals subalit hindi ito binuksan sa publiko at ginawang intimate lamang ang seremonya. (DDC)