Ilang bahagi ng Visayas nasa very high risk pa rin sa COVID-19; pero pababa na ang trend ng kaso ayon sa OCTA Research

Ilang bahagi ng Visayas nasa very high risk pa rin sa COVID-19; pero pababa na ang trend ng kaso ayon sa OCTA Research

Pababa na ang trend ng kaso ng COVID-19 sa ilang bahagi ng Visayas.

Pero sa ngayon ayon sa OCTA Research, nananatili pa ring nasa very high risk ang Bacolod, Cebu City, Iloilo City, at Mandaue City.

Habang nasa high risk naman ang Lapu Lapu, Ormoc at Tacloban.

Sa datos na ibinahagi ng OCTA Research sa Twitter, ang Cebu ang nanguna sa mga lalawigan na mayroong pinakamaatas na bagong kaso ng COVID-19 noong Martes, Feb 1.

Nakapagtala ng 638 new cases sa Cebu, kasunod ang Davao Del Sur na may 486 cases, Caviet na may 429 cases at South Cotabato na may 383 na bagong kaso. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *