PCCI hinimok ang gobyerno na gawing libre ang antigen test kits para sa publiko

PCCI hinimok ang gobyerno na gawing libre ang antigen test kits para sa publiko

Hinikayat ng pinakamalaking business organization sa bansa ang pamahalaan na gawing libre ang antigen test kits para sa mga mamamayan.

Ayon sa pahayag ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), kung available at libre ang antigen test kits ay makatutulong ito upang maiwasan ang paglaganap ng COVID-19 at maari na ring maging maluwag ang pinaiiral na restrictions.

Sinabi ni PCCI President George Barcelon, bagaman ang pangunahing layunin sa ngayon ay ang mabakunahan ang mayorya ng mga Filipino, mahalaga din na available ang rapid antigen test kits para magamit ng mga tao.

Umaasa ang PCCI na bibili ang pamahalaan ng mas marami pang suplay ng test kits. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *