Apat arestado ng NBI matapos mahulihan ng pekeng US Dollar bills at Peso bills

Apat arestado ng NBI matapos mahulihan ng pekeng US Dollar bills at Peso bills

Apat ang naaresto ng National Bureau of Investigation matapos silang mahulihan ng mga pekeng pera.

Ayon kay NBI officer-in-charge Eric Distor, nadakip sa magkasunod na operasyon sa Angeles City at Bamban, Tarlac ang mga suspek na sina Joeylyn Castro, Virgilio Yalung, Zenia Andres at Marilyn Lucero.

Ikinasa ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon ang NBI na may grupong magtutungo sa isang money changer sa Angeles City para magpapalit ng pekeng US dollars.

Unang nadakip sina Castro at Yalung na nahuli habang tinatangkang ipapalit ang pera.

Kalaunan ay itinuro ng dalawa kung saan nila nakukuha ang pera at doon nagkasa ng follow-up operation ang NBI sa Bamban, Tarlac kung saan naaresto naman sina Andres at Lucero.

Nakumpiska kina Castro at Yalung ang 78 piraso ng pekeng US$100 bills habang nakumpiska naman kina Andres at Lucero ang 78 piraso ng pekeng US dollar bills at 2 bundles ng pekeng P1,000.

Mahaharap ang apat sa kasong illegal possession and use of false bank notes. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *