Bakuna kontra COVID-19 sa mga batang edad 5 pababa magiging available na sa US

Bakuna kontra COVID-19 sa mga batang edad 5 pababa magiging available na sa US

Malapit nang mabakunahan kontra COVID-19 ang mga edad 6 na buwan hanggang 5 taon sa Estados Unidos.

Nakatakda nang magsumite ng request ang Pfizer para mabigyan sula ng Emergency Authorization ng US Food and Drug Administration (US-FDA) para magamit ang kanilang bakuna kontra COVID-19 sa nasabing age group.

Tiniyak ng FDA na sa sandaling maisumite ng Pfizer ang kanilang request ay agad itong sasailalim sa review.

Dahil dito, posibleng sa katapusan ng buwan ng Pebrero ay maging available na ang COVID-19 vaccine sa mga edad 6 na buwan hanggang 5 taon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *