Presyo ng LPG tumaas ng P44 kada tangke

Presyo ng LPG tumaas ng P44 kada tangke

Sinalubong ng pagtaas sa presyo ng cooking gas o LPG ang unang araw ng buwan ng Pebrero.

Sa abiso ng kumpanyang Petron, epektibo ngayong araw, February 1 may dagdag na P4 kada kilo ang kanilang LPG.

Katumbas ito ng P44 na pagtaas sa presyo ng kada 11-kilogram cylinder ng LPG.

Ang kanilang AutoLPG ay tumaas din ng P2.23 kada litro.

Parehong halaga din ang itinaas sa presyo ng LPG ng Solane at Phoenix Super LPG.

Ang AutoLPG naman ng Phoenix ay tumaas ng P2.24 kada litro.

Ang pagtaas sa presyo ng LPG ay dahil sa tumaas na international contract price. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *