250 pang Pinoy sa ibang bansa tinamaan ng COVID-19
Nadagdagan ng 250 pa ang bilang ng mga Pinoy sa ibang bansa na tinamaan ng COVID-19.
Sa datos mula sa Department of Foreign Affairs (DFA), sa kabuuan 24,768 na ang bilang ng mga Pinoy abroad na tinamaan ng COVID-19.
Sa nasabing bilang, 14,544 na ang gumaling habang 8,765 pa ang sumasailalim sa gamutan.
Nasa 1,459 naman ang kabuuang bilang ng mga nasawing Pinoy sa ibang bansa dahil sa COVID-19.
Sa Middle East/South Africa mayroong naitalang pinakamaraming kaso na umabot na sa 13,355.
Sa Asia Pacific Region naman ay nakapagtala ng 6,672 cases. (DDC)