Pag-iral ng Number Coding suspendido sa Chinese New Year – MMDA

Pag-iral ng Number Coding suspendido sa Chinese New Year – MMDA

Suspendido ang pagpapatupad ng Modified Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme bukas, araw ng Martes, February 1.

Ito ay dahil deklaradong special non working day ang nasabing araw bilang selebrasyon ng Chinese New Year.

Ayon sa MMDA, ang mga sasakyang may plakang nagtatapos sa 3 at 4 na sakop ng coding tuwing Martes ay maaaring bumiyahe sa mga pangunahing lansangan ng Metro Manila.

Ang coding hours na umiiral sa Metro Manila ay mula 5 pm hanggang 8 pm. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *