Pet stores sa Hong Kong pinayagan na muling magtinda ng hamsters
Pinayagan na muli ang pagtitinda ng hamsters sa mga pet stores sa Hong Kong matapos makatay ang mahigit 2,200 na hamsters dahil sa COVID-19.
Labingisang hamsters ang nagpositibo sa COVID-19 dahilan para kumpiskahin ang mga hamster sa mga pet shop sa Hong Kong at kinatay ang lahat ng mga ito.
Ayon sa Agriculture, Fisheries and Conservation Department ng Hong Kong sa 1,134 samples na kinulekta mula sa mga hamsters, rabiits at chinchillas, lahat ay negatibo sa sakit.
Ang mga pet shop ay isinailalim lahat sa disinfection at paglilinis at ang mga nakapasa sa CVID-19 virus test ay pinapayagan nang makapagbukas.
Ang limang pet shop kabilang ang “Little Boss” pet shop na pinagmulan ng outbreak ay mananatiling sarato dahil hindi pa nakapapasa sa virus test. (DDC)