Mga nabakunahan ng Sinopharm puwede nang tumanggap ng booster dose

Mga nabakunahan ng Sinopharm puwede nang tumanggap ng booster dose

Maari nang magpa-booster ang mga nabakunahan ng Sinopharm COVID-19 vaccine.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang mga nabakunahan ng Sinopharm ay maaring bigyan ng booster gamit ang parehong brand o kaya ay mga bakuna ng AstraZeneca, Moderna at PFizer.

Kinakailangang nakatatlong buwan na ang nakalipas mula nang sila ay makatanggap ng second dose para sila ay mabigyan ng booster shot.

Samantala, gagamitin na din ang Sputnik Light vaccine sa pagbibigay ng booster doses.

Ani Vergeire, ang Sputnik Light ay maaaring ibigay bilang booster shot sa mga tumanggap ng AstraZeneca, Moderna, Pfizer at Sinovac sa kanilang primary vaccination. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *