Mga biyaherong fully-vaccinated hindi na kailangang sumailalim sa facility based quarantine

Mga biyaherong fully-vaccinated hindi na kailangang sumailalim sa facility based quarantine

Hindi na obligadong sumailalim sa facility based quarantine ang mga biyaherong darating sa bansa na fully-vaccinated.

Sa ilalim ng IATF Resolution No. 159, sinuspinde ang pagpapairal ng “Green”, “Yellow” at “Red” Classifications sa mga bansa, teritoryo at hurisdiksyon.

Dahil dito epektibo sa February 1, 2022 babaguhin na ang entry, testing at quarantine protocols sa lahat ng international arriving Filipinos at foreign nationals.

Kung fully-vaccinated na, kailangang magpresenta ng negatibong resulta ng RT-PCR Test na isinagawa 48 oras bago ang kanilang pag-alis sa pinanggalingang bansa.

Pagdating sa Pilipinas, hindi na sila dadalhin sa quarantine hotel at sa halip ay papayagan nang diretsong umuwi ng bahay.

Kailangan lamang nilang mag-self monitor sa loob ng pitong araw at kailangang mag-report sa LGU kung may mararanasang sintomas.

Para naman sa mga biyaherong hindi pa bakunado o partially vaccinated pa lamang, required pa din silang sumailalim sa facility-based quarantine.

Sasailalim sila sa RT-PCR test sa ikalimang araw ng quarantine at papayagan lamang umuwi kapag lumabas na ang negatibong resulta.

Pag-uwi sa bahay, kailangan nilang kumpletuhin ang labingapat na araw na quarantine. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *