DOH nakapagtala ng 618 pang Omicron variant ng COVID-19

DOH nakapagtala ng 618 pang Omicron variant ng COVID-19

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 618 pang mga kaso ng Omicron variant ng Covid-19 variant.

Ayon sa DOH, kinabibilangan ito ng 497 na local cases at 121 na returning overseas Filipinos.

Bunsod nito, umakyat na sa 1,153 ang total confirmed Omicron cases sa Pilipinas.

Sa local cases, pinakamarami ang mula sa National Capital Region na nasa 238, sumunod ang Calabarzon, 71; Ilocos Region at Western Visayas, na may tig-30; Eastern Visayas, 28; Central Luzon, 27; Central Visayas, 20; at Cagayan Valley, 19.

Sa tala ng DOH, 13 pang kaso ang nananatiling aktibo habang 5 ang pumanaw dahil sa Omicron. (Infinite Radio Calbayog)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *