Tambalang BBM Sara nanguna sa Manila Bulletin-Tangere Presidential at Vice Presidential Survey
Nanguna ang tambalan nina dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte sa presidential at vice presidential survey ng Manila Bulletin at Tangere.
Isinagawa ang nationwide survey noong Jan. 18 hanggang 19, 2022, na nilahukan ng 2,400 respondents.
Nanguna si Marcos sa presidential candidates na nakakuha ng 57.67 percent.
Pumangalawa si Manila Mayor Isko Moreno na nakakuha ng 16.75 percent at sumunod si VP Leni Robredo na mayroong 15.08 percent.
First choice din ng mga respondents si Mayor Sara na nakakuha ng 53.17 percent sa vice presidential aspirants.
Pumangalawa si SP Tito Sotto (19.42 percent) at nasa ikatlong pwesto si Doc Willing Ong (17.54) percent.