Ipinakakalat na balita na hindi pwedeng mag-donate ng dugo ang mga nabakunahan kontra COVID-19 peke ayon sa DOH
Fake news ang ipinakakalat sa social media na hindi pwedeng mag-donate ng dugo ang mga nabakunahan kontra COVID-19.
Ayon sa inilabas na abiso ng Department of Health (DOH), lahat ng nabakunahan kontra COVID-19 ay pwedeng magdonate ng dugo anumang oras kung wala naman silang nararanasang sintomas.
Kung nakaranas naman ng sintomas o kung tinamaan ng COVID-19, maari pa ring mag-donate ng dugo labingapat na araw matapos maka-recover sa sakit.
Paalala ng DOH, maging mapanuri sa mga nababasa sa social media. (DDC)