BREAKING: DOH nakapagtala ng 15,789 na bagong kaso ng COVID-19
Nakapagtala ng 15,789 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Miyerkules, Jan. 26 ay 3,475,293 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 3,191,219 ang gumaling o katumbas ng 91.8 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 32,712 na gumaling.
Bumaba naman na sa 230,410 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 ng 6.6 percent.
Nasa 53,664 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.54 percent makaraang makapagtala ng 66 pang pumanaw. (DDC)