Kaso ng COVID-19 sa Visayas at Mindanao patuloy sa pagtaas
Sumirit ang kaso ng COVID-19 sa Visayas at Mindanao.
Sa datos mula sa Department of Health (DOH), simula noong unang linggo ng Enero, nakitaan ng patuloy na pagtaas sa kaso ng COVID-19 ang Visayas at Mindanao.
Ang Regions VI, VII, at XI ang nakapagtala ng highest average ng kaso base sa 7-day moving average mula noong Jan. 19.
Sa nasabing mga rehiyon, nasa moderate risk na ang bed utilization, habang nasa low to moderate risk naman ang ICU utilization.
Sa Visayas ay nakapagtala ng 87.35 percent na pagtaas at 164.72 percent naman na pagtaas sa Mindanao. (DDC)