Kumpanya ni Manny Villar, nakatakdang mag-take over sa broadcast frequencies na dating hawak ng ABS-CBN
Nakatakdang mag-take over ang kumpanya na pag-aari ni Manny Villar sa broadcast frequencies na dating hawak ng ABS-CBN Corp., na ang application to renew ng kanilang broadcast franchise ay ibinasura ng Congressional Committee noong 2020.
Kinumpirma ng National Telecommunications Commission (NTC) na binigyan ng temporary permit ang Villar-Owned Advanced Media Broadcasting System Inc. (AMSB) para magsagawa ng test broadcast sa Analog Channel 2.
Sa pagbibigay ng provisional authority sa kumpanya ni Villar pinapayagan itong mag-install, mag-operate, at mag-maintain ng Digital Television Broadcasting System sa Metro Manila sa pamamagitan ng Channel 16.
Sa NTC order na may petsang January 6, nakasaad na mag-o-operate ang Advance Media simula 7:00 ng umaga hanggang 10:00 ng gabi sa Star Mall na pag-aari rin ni Villar, sa Mandaluyong City.
Ang permit na ibinigay ay para lamang sa test broadcast purposes. (Infinite Radio Calbayog)