“Stealth” ng Omicron variant predominant sa bansa ayon sa DOH
Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na ang “stealth” Omicron o BA.2 Sub-Lineage ng naturang variant ay predominant sa maraming rehiyon sa bansa.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mas common ang Stealth Omicron sa local cases sa mga rehiyon, batay sa pag-analisa ng Philippine Genome Center.
Lumabas din sa analysis ng PGC na ang original Omicron lineage na tinawag na BA.1 ay na-detect sa walong rehiyon at predominant sa Bicol region at sa mga returning overseas Filipino.
Binigyan-diin naman ni Vergeire na walang malaking pagkakaiba sa clinical presentation sa pagitan ng BA.1 at BA.2.
Aniya, kailangan pa rin ng masusing pag-aaral, dahil limitado pa rin ang mga obserbasyon na nakukuha rito.
Idinagdag ni Vergeire na bagaman laganap sa buong mundo ang Omicron sub-lineage na BA.1, mayroong recent increase sa detection ng BA.2 sequences.
Ayon kay Vergeire, sa ngayon ay na-detect ang Stealth Omicron o BA.2 sa 69 na bansa at 17 estado sa Amerika. (Infinite Radio Calbayog)