57.5 million na katao fully-vaccinated na kontra COVID-19
Umabot na sa mahigit 57.7 million ang fully-vaccinated na laban sa COVID-19.
Batay sa National COVID-19 Vaccination Dashboard na iprinisinta ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Sec. Karlo Nograles sa kaniyang virtual press briefing, umabot na sa 123,866,249 ang total vaccine administered sa bansa.
Sa nasabing bilang, 59,859,753 ang nabakunahan na ng first dose at 51,899,882 ang nabigyan ng second dose.
Habang mayroong 5,614,401 na tumanggap ng single dose na bakuna ng Janssen.
Sa kabuuan ayon sa datos, 5,514,283 na ang fully-vaccinated.
Umabot naman na sa 6,492,213 na katao ang nabigyan na ng booster doses ng COVID-19 vaccine. (DDC)