Pagbabakuna sa mga batang edad 5 hanggang 11 sisimulan sa Feb. 4
Umpisahan na ng pamahalaan ang pagbabakuna sa mga batang edad 5 hanggang 11 sa susunod na buwan.
Ayon kay vaccine czar, Sec. Carlito Galvez Jr., sa February 4 target simulan ang pagbabakuna sa naturang age group.
Nakatakda aniyang maglabas ng guidelines ang Department of Health ngayong linggo para sa isasagawang pagbabakuna.
Mas mababang doses ng COVID-19 vaccine ang ibibigay sa mga batang edad 5 hanggang 11 kumpara sa doses na tinatanggap ng mga edad 12 hanggang 17. (DDC)