Operasyon ng isang minahan sa Davao Oriental sinuspinde ng DENR; kalapit na ilog nakaranas ng discoloration
Iniutos ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu ang pagsuspinde sa operasyon ng isang minahan sa Davao Oriental.
Ito ay makaraang magkaroon ng discoloration sa Mapagba at Pinatatagan River sa bayan ng Banaybanay.
Ayon kay Cimatu, nag-kulay pula ang tubig sa ilog dahil sa extraction activities sa minahan.
Sa inisyal na imbestigasyon at assessment ng DENR-Davao Region, together with the region’s Mines and Geosciences Bureau at ng Environmental Management Bureau ang siltation at discoloration sa Mapagba at Pinatatagan River ay dahil sa extraction activity ng Riverbend Consolidated Mining Corporation/Arc Nickel Resources, Inc.
Nagpalabas na ng cease and desist order (CDO), notice of violation, at show cause order ang DENR-Davao Region sa nasabing mining company. (DDC)