Bansa sa Oceania nagpatupad ng lockdown sa kauna-unahang pagkakataon mula nang magkaroon ng pandemya ng COVID-19

Bansa sa Oceania nagpatupad ng lockdown sa kauna-unahang pagkakataon mula nang magkaroon ng pandemya ng COVID-19

Nagpatupad ng lockdown sa Kiribati sa Oceania matapos magpositibo sa COVID-19 ang mga biyahero na galing sa ibang bansa.

Ito ang unang pagkakataon na nagpairal ng lockdown sa Kiribati simula nang magkaroon ng pandemya ng COVID-19,

Halos dalawang taon ding isinara ang borders ng Kiribati bilang pag-iingat sa nakahahawang sakit at binuksan lamang ngayong Enero.

Ayon sa pamahalaan ng Kiribiti, 36 sa 54 na pasahero ng isang flight galing Fiji ang nagpositibo sa COVID-19.

Lahat sila ay bakunado at tatlong beses na nag-negatibo sa COVID-19 sa kasagsagan ng kanilang pre-departure quarantine.

Dinala silang lahat sa quarantine center.

Isang frontline worker na nakalaga sa quarantine center ang nagpositibo na din.

Habang umiiral ang lockdown, ipatutupad ang 24 oras na curfew at ang mga mamamayan ay maari lamang makalabas ng bahay kung may emergency at para mag-access ng essential services. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *