Calatagan, Batangas niyanig ng magnitude 4.4 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang lalawigan ng Batangas.
Ang pagyanig ay naitala ng Phivolcs sa layong 19 kilometers southwest ng bayan ng Calatagan 6:07 ng umaga ng Linggo, Jan. 23.
May lalim 113 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin.
Naitala ang sumusunod na
Instrumental Intensities:
– Intensity III- Puerto Galera, Oriental Mindoro; Calatagan, Batangas
– Intensity I- Tagaytay City; Calapan City, Oriental Mindoro
Ayon sa Phivolcs ang pagyanig ay aftershock ng naitalang magnitude 6.6 na lindol sa Calatagan, Batangas. (DDC)