Mahigit 56.8 million na katao fully-vaccinated na kontra COVID-19
Umabot na sa mahigit 56.8 million ang fully-vaccinated na laban sa COVID-19.
Batay sa National COVID-19 Vaccination Dashboard na iprinisinta ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Sec. Karlo Nograles sa kaniyang virtual press briefing, umabot na sa 122,321,531 ang total vaccine administered sa bansa.
Sa nasabing bilang, 59,607,306 ang nabakunahan na ng first dose at 51,404,271 ang nabigyan ng second dose.
Habang mayroong 5,432,820 na tumanggap ng single dose na bakuna ng Janssen.
Sa kabuuan ayon sa datos, 56,837,091 na ang fully-vaccinated.
Umabot naman na sa 5,877,134 na katao ang nabigyan na ng booster doses ng COVID-19 vaccine. (DDC)