DOTr at MMDA magdaraos ng 5-day Mobile Vaccination Drive para sa mga commuter at transport workers
Magdaraos ng 5-day Mobile Vaccination Drive ang Department of Transportation (DOTr) at ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa mga commuter sa PITX at transport workers.
Target itong gawin sa Jan. 24 hanggang sa Jan. 28.
Ayon sa DOTr, AstraZeneca vaccine ang brand na gagamitin para sa pagbabakuna ng mga commuter at transport workers.
Welcome ang mga nais magpaturok ng first dose, second dose at booster dose.
Ang mga magpapabakuna ay pinapayuhang dumeretso sa Gate 4 ng PITX. (DDC)