Badjao families na stranded sa Manila North Harbor dahil sa pinaiiral na “No Vax No Ride” policy binigyang-ayuda ng pamahalaan
Nakatanggap ng ayuda mula sa Philippine Ports Authority (PPA) at Department of Social Welfare and Development-NCR (DSWD-NCR) ang 58 Badjao-families na stranded sa Manila North Harbor dahil sa pinaiiral na “no vax no ride” policy.
Tumanggap ang mga Badjao ng cash assistance na P5,000 kada pamilya mula sa DSWD-NCR para may panggastos sila sa ticket at iba pang travel requirements.
Binigyan din sila ng sleeping kits na may kasamang unan, kumot sleeping mat at malong.
Ang mga stranded na pasahero ay pansamantalang nasa fully furnished facility ng PPA sa loob ng naturang terminal.
Sinusuplayan din sila ng pagkain.
Ayon kay PPA General Manager Jay Daniel Santiago ginagawa ng PPA ang lahat para matulungan ang mga stranded ma pasahero. (DDC)